Valley Of Chrome : Valley of Chrome

Metalcore / Philippines
(2012 - Tower Of Doom Records)
Узнать больше

Тексты песен

1. PAGBANGON

(Instrumental)


2. AGIMAT

Para bang ‘di mo kaya ang hirap ng buhay
Pagod na at tila hindi makasabay
Ngunit ilan sa atin ang may angking lakas
Na sa oras ng pagsubok, ito’y lumalabas
Ito’y para sa inyo, para sa matatapang, at ayaw magpatalo
Lahat ng ating sugat, ay gumagaling dahil may agimat na angkin

Binuhusan ang sugat, ng asido’t asin, kahit na sinasakal, humihinga pa rin
Di nila kaya ang binabangga nila, ito na ang simula, ang takot napawi na

Walang bagyong di natin lalampasan
Magkasama tayo at walang mag-iiwanan
Bawat isa sa atin na handang mamatay
Para sa prinsipyo na ating taglay
Di nila kaya ang puwersang ating dala
Dahil may angking agimat, ang bawat isa

Ating isapuso- Agimat!
Ating isabuhay- Agimat!
At gawing sandata (Agimat!)
May agimat tayong lahat!

Bawat hakbang mabigat, sa bubog tumawid
Ikaw ba’y pinahamak ng iyong kapatid?
Mula sa putik babangon, at liliyab muli
Ang ngiti sa mukha ng demonyo ay mapapawi


3. DUELO

Ito’y isang giyera ng sarili
Ako ang lumikha na mag-isa
Kasalanan kong di mapatawad
Laging may away sa ‘king mata

At ito’y nagbabaga, nanghihila pababa
Boses ko’y humihina, di na babalik
Ang dating kinagisnan, di na kaya ang pasan
Meron bang pupuntahan dapat bang may masaktan?

Ininom ko ang lason, ako ba ay duwag?
Mapagkunwari? Ang peke at huwad?
Di makakilos nakabalot sa tinik
Walang katapusang paghihimagsik

Itong duelo- takot sa ‘king anino
Nakikipigdigma sa ‘king kaluluwa

Mga anghel na di na dumating
Pag-asang tinangay na ng luha
Nagising sa pagkakahimbing
Sa katapusang laging nagbabanta

Ininom ko ang lason, ako ba ay duwag?
Mapagkunwari? Ang peke at huwad?
Ang isipan ko, naglalabang mga tinig
Kailangang ibalik ang tapang at bagsik

Humarap sa nakaraan, sa iyong pinagmulan
Hanapin ang rason kung bakit ka ganyan
Walang sasagot sa iyong mga tanong
Ang iyong mga sigaw animo’y parang bulong.

Hawiin mo ang mga ulap, pagbabago’y magaganap
Sa salaming binasag mo, magtatapos itong duelo.

Para sa iyong landas na naligaw
Para sa mga api, na di makasigaw


4. DAGAT NG APOY

I

Lulusong ka na ba? Sa Dagat ng Apoy?

At nakita ko, ang tagumpay
Malayo man di mahiwalay
Ang mahalaga, ay may apoy pa rin
Anumang hirap ay aangkinin

Chorus:
Gumugulo sa iyong isipan takot at kaba
Buhayin ang sarili mo’t magsimula ka na
Sino ba naman sila para pigilan ka?
Sa Dagat ng Apoy, muling lalaban ka

II

At ang lungkot, ay walang saysay
Ating kapalaran ay nasa ‘king kamay
‘Di bibitaw, sa mga pangako ko
At magbabalik muli sa piling nyo.

Bridge:

Mga kuko ng kahapon
Wala na silang talim

Salamat kabiguan, tinuruan mo ako
Sa hirap na dinanas ko (pangarap mabubuo)
Kahit imposible, pipilitin ko
Kahit mahirap ay kakayanin ko.
(Hinalikan ko ang liwanag... Tinakwil ko ang lagim!)

III

...At lilipas din ang mga taon
Simula ng ating pag-ahon
‘Di ako papayag na...
Magpalunod...
Magpatalo...
Sa dagat ng apoy


5. PANGAKO

Ang bugso nitong damdamin, ang bukas na nasa akin
Dapat di maging alipin, sa unos na dulot nila.
Di na ‘ko hahamakin, at aking lilisanin
Ang lugar na madilim, dahil kasama na kita.

At di na mabigat ang krus na aking pasan
Bigla nang gumaan, merong kahulugan.
Di na mahapdi, ang pako sa kamay,
Nabuhay na muli, ang puso kong patay

Nag-iisa sa laban, walang tunay na pangalan
Dulot ay kawalan, at walang nais umintindi
Di na mangangamba, wala nang nanaisin pa
Sa bawat sandali, pananalig tumitindi

Oras nang iwanan ‘to, ika’y hinanap ko at nagtagpo
Hanggang maging abo, ito’y pangako ko
Hawak ko ang iyong kamay, sa buhay ko’y tanging gabay
Hanggang maging abo, ito’y pangako ko

Di mawawala sa isip ko
Pinapangako ko ito
Sisirain ang bawat harang
Pagsasama na walang patlang
Di pa to ang katapusan
Ako’y nakahawak sa iyong kamay
Walang pagsisising ako ay naghintay
Nakaukit sa ‘kin ang pangalan mo
Ako at ikaw hanggang maging abo

Oras nang iwanan ‘to, ika’y hinanap ko at nagtagpo
Hanggang maging abo, ito’y pangako ko
Tapos na ang paghihintay
Dahil ika’y naging tulay
Hanggang maging abo, ito’y pangako ko


6. ITIM

Gaano kadalas ang minsan na tayo’y nalinlang?
Silang kampon ng itim, mga kaluluwa’y halang
Saan ba tayo papunta? Ang bayan nilimot nila
Baliktad na ang krus at bituin
Bandila na kulay itim

At dumanak ang pula sa isla nang di magkaisa
Kapatirang nabuwag dahil diyos nila’y magkaiba
May bukas pa ba sila? May aasahan pa?
Lahat ng nilikha ay sinisira nila
Ang giyera nating lahat sa mundo na mapanglaw
Ang mga biktima, ako, sila, ikaw

Baguhin natin ang mali ng nakaraan
At wala nang masasaktan
Kalimutan natin ang galit na naghahari
Huwag na nating balikan

"Mula noon hanggang ngayon, ang galit mula sa aking ama
Ito rin ang magpapaandar nitong itim na makina
Na tuluyang kikitil ng buhay mo at iyong mag-ina
Ng iyong mga kadugo, uubusin ko sila"

Sa bayan na inaagnas, ang dugo’y umaagos
Meron bang nagwagi? Di na matatapos
Ang giyera nating lahat sa mundo na mapanglaw
Ang mga biktima, ako, sila, ikaw

Baguhin na ang mali ng nakaraan
At wala nang masasaktan
Kalimutan na ang galit na naghahari
Huwag na nating balikan


7. JAPAN

Pawiin na ang iyong luha, at dungis sa iyong mukha
Patayin mo ang pag-alinlangan
Sa lahat ng dinaanan mo, durugin at gawing abo
Pagkakamali ay kalimutan
Kutsilyo sa iyong kamay, pagkatalo na walang humpay
Oras na para tapusin mo…

Pangarap mo ay di mamamatay
Sisikat din ang araw mo gaano man kadilim
Bawat hakbang tayo’y sabay sabay
Pagkabigo ay di hadlang
Maghintay ka lang.

Buhangin man ang kastilyo ko, ito’y pinaghirapan ko
At bawat butil ay tanging yaman
Umaandar itong oras, anumang bagyo di aatras
Buo ang loob harapin ang bukas
Kutsilyo sa iyong kamay, pagkatalo na walang humpay
Oras na para tapusin mo…

Ito ang araw kung kailan maghahari ka
Mga minimithi mo ay makakamit mo na

Di ka nila kayang patumbahin kahit anong mangyari
Magwawagi ka rin
Di ka nila…


8. PAGLIYAB

(Instrumental)


9. PATUNGO SA DILLIM

Kaya mo ba maging ilaw
Para magbigay liwanag?
Kaya mo bang tumulong
Sa tuwing may tumatawag?
Nais mo bang mag-iwan
Ng lamat sa kasaysayan?
Ang gumising sa natutulog
Nilang kamalayan?

Huwag nang maghintay
Simulan maging boses nila
Kabutihan ang dalhin
Patungo sa Dilim

At ikaw ang alon na magdadala ng sagot sa gitna ng ligalig at gulo
Ang bawa’t kilos mo, ang magwawakas sa giyera na sila ang may gusto

Handa na ba kayo?

Nais mo bang maging pakpak
Para sa di makalipad?
Nais mo bang maging mata’t bibig
Ng pipi at bulag?
Tanggalin ang piring sa mata
Ng karamihan
Gulatin ang mga nasa pwesto
Ang mga makapangyarihan

Silang mga sakim.
Sa yaman ay lasing
Ang kanilang bakas
Sa limot ilibing
Sa mundong bulag
Hawak natin ang sinag
Labanan ang talim.
Patungo sa dilim.


10. SA AKING MGA KAMAY

Labingtatlong taon, na di nagsalubong, ang init at ang pagtingin, hanggang ngayon nag-aantay pa rin.
Ilang araw ang nagdaan, na nais kang hagkan, ngunit di pinagtagpo, ang ginto naging tanso.

Dito sa ‘king mga kamay, mga galos ng paghihintay, umaasa pa rin.

Mula sa isang halik, pero di na babalik, mahirap man tanggapin, pinilit kong tiisin
Mga marka ng kawalan, sa lungkot ay tinablan, gabi gabing lumalaban, sa alaalang di maiwan.

Dito sa ‘king mga kamay, mga galos ng paghihintay, umaasa pa rin.
Di ako mapalagay, ang storyang di namamatay, humihinga pa rin...

Panahon lang ang makakapagsabi, at di natin alam
Kung bakit ba nangyari, at di makaramdam
Pagod ba at manhid, sa tadhanang mailap
Ang nais ng kalangitan di ko matanggap

Dito sa ‘king mga kamay, mga galos ng paghihintay, umaasa pa rin.
Di ako mapalagay, ang storyang di namamatay, humihinga pa rin...

Balang araw malalaman natin kung bakit di nakamit
Sa mga panaginip tayo’y nakakapit
Walang kapantay na pang-aasam
Dahil panahon lamang ang tanging may alam


11. SANIB

Nagdidilim ang paningin dahil may sanib ka na rin
Kailan pa nagging mali ang manindigan
Para sa pamilya sarili at kaibigan
Debosyon na tinatawag, wala ‘tong kapantay

Ang bawat laban ko sa kanila’y alay
Ano? hanggang kailan? Ako sasaniban?
Hangga’t ginugulo nila ang katahimikan
Ako? Hanngang kailan? Ako sasaniban?
Nagdidilim ang paningin, huwag mo akong lapitan

Isang mensahe para sa kalaban
Lumayo ka sa disgrasya, huwag nang subukan pa
Aking dinadala Ang malalim na poot
Handa akong humarap sa inyo, ng walang takot

Ano? hanggang kailan? Ako sasaniban?
Hangga’t ginugulo nila ang katahimikan
Ako? Hanngang kailan? Ako sasaniban?
Nagdidilim ang paningin, huwag mo akong lapitan

Ang parusa ng tadhana, ay sadyang walang pinipili
Tila sinusunog nila, ang umiikling pisi
Nag-iibang anyo, may pangil at sungay
Pati kaluluwa’y handa kong ibigay
Hanggang huling hinga


12. WAKAS

Tanaw ko ang katapusan
At mga araw ko’y ko’y bilang
May tanong sa itaas
Na walang kasagutan

Di ko maikubli ang lungkot ng sandali
Di ko inakalang lumipas na

Nagpapaalam, lumalayo,
Umpisa na ng Wakas
Nakaluhod at luhaan,
Gaano man ka-wagas.

Dumating na ang oras
Ang sakit ay lilipas
Huling araw na ito
Umpisa na ng wakas

Ang araw ay lulubog
sa dapithapon
Bilang ang bawat tibok
Ng pusong kulong

Nagpapaalam, lumalayo,
Umpisa na ng Wakas
Nakaluhod at luhaan,
Gaano man ka-wagas.

Dumating na ang oras
Ang sakit ay lilipas
Huling araw na ito
Umpisa na ng wakas

Di ko maikubli ang lungkot ng sandali
di ko inakalang lumipas na

Di ko matandaan itong nakaraan
Ang tangi kong alam ika’y nandyan

Nagpapaalam,lumalayo
Ito na ang aking wakas

Тексты песен добавлены sasorie - Изменить эти тексты песен